Summer is fun in rainy-ish Gensan!
Music & Lyrics by: Densho "Champ" Biala
Arranged & Performed by: Centerpoint
Copyright Centerpoint 2014
Lyrics:
I
Okay lang sa akin na ma-stranded sa baha
Basta't ikaw ang kasama ko
Maputik man ang kalye at kadiri sa paa
Maglalakad parin patungo sa'yo
II
Di ko na kailangan ang humigop ng sabaw
Hangga't ikaw ang kayakap
Kuryente man ay mamatay at ubos na ang kandila
Ika'y mahahanap
III
'Pagkat ikaw ang liwanag sa mundong dumidilim
Walang lamig ang makakapanginig
Ng labis sa'yong kilig
IV
(At) Kung ang ulan ay ang 'yong mga halik
Maliligo ang puso ko sa bawat patak
Ako'y magtatampisaw hangga't hindi pa tumitirik
Kung ang ulan ay pag-ibig mo sa'kin
O kay sarap ng ulan
V
Di matatabunan ng lakas ng kulog
Ang tibok ng puso ko
Na sumasabay sa pag-patak ng ulan sa bubong
At umaawit sa'yo
VI
Di rin maaagaw ng gulat ng kidlat
Ang ganda mo sa'king paningin
Walang bayolenteng hangin
Ang tatangay sa'king damdamin
Repeat III & IV
VII
Ang mga ulap ay nagbabanta
Paligid ay gumiginaw
Ngunit 'pag kamay mo'y hawak
Ako'y natutunaw
Repeat III & IV (except last line)
VIII
O kay sarap
Kahit di pa tumigil
O kay sarap
Nakakapang-gigil
O kay sarap
O kay sarap ng ulan
Mp3 Download:
http://www.mediafire.com/download/kg7c551bhjg1j1d/Kay+Sarap+ng+Ulan.mp3
10 years ago
10 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago