Rydeen ft. Franchizze, Boi Mikropono, and Kawayan
DOWNLOAD @ http://soundclick.com/rydeen :)
-- LYRICS --
[Chorus]
Di mo ba alam ikaw ay miss na miss ko na
At di na magiiba ang aking nadarama
Pakinggan mo naman ako ngayon sa huling pagkakataon
Na masasabi ang mga dapat ko ng sinabi palagi dati
Uh yeah
[V1 - Rydeen]
Kung may hindi pa ako nasabi noon
Pasensya na, nawalan lang ako ng panahon
Pero ang totoo, ikaw pinakamahalaga
Na dumating sakin simula pa sa umpisa
At kung maibabalik ko lang mga nakaraan
Makakasigurado ka lagi akong nandyan
Subalit ngayon wala na akong magawa
Patuloy lang ang pagpatak ng aking mga luha
(Hmm yeah)
Habang nakikita kitang kasama mo sya
Ang sakit isipin na wala na tayong dalawa
Ayokong mahirapan pa, gusto kong sabihin na
Kahit di ko napadama sayo noon, minahal naman kita
[Repeat Chorus]
[V2 - Franchize 1]
Pano mo mapupuna ang kislap ng bituin kung di ka naman nakatitig
Pano ko mahahatid ang aking nadarama kung di ka na ngayon nakikinig
Inaamin ko noon ako'y nagpabaya
At ngayon nawala ka, doon ko nahalata
Na mahal kita, ika'y mahalaga
Meron pa ba akong magagawa
Upang ibalik ang iyong pagtingin
Ako'y sabik sa iyong mga lambing
Masakit makitang meron ka ng iba
pipilitin ko ng lang pumikit
At bahala na ang Panginoon
Kung saan man ako maparoon
Dito sa puso ko, meron kang iniwang bakas
Susundan kitang lakarin yon
Upang masabi ko sayo
[Repeat Chorus]
[V3 - Boi Mikropono]
Dapat pala sinabi ko na sayo dati na, mahal kita
Kasi hanggang ngayon ay grabe pa
Grabe ka, ako ba ay binabato mo
Dahil hanggang ngayon tinatamaan pa ako sayo
Di ko makaya ang araw na di kita nasisilayan
At para 'kong napilayan, at ako'y nanghihinayang
At di ko namalayan na, wala ka na pala
Pero narealize ko na mahal pala kita
Kaya hayaan mo akong, maipakita ang
Nilalaman ng aking puso ay ikaw lang
Talaga, sarado ang aking mga mata sa iba
Wala ng hahanapin pa
It's only you I wanna be with
If you give me a chance, there's only one thing to be clear with
Maybe we could work this out and fix the broken-hearted
Close your eyes and think about how we started
[Repeat Chorus]
[V4 - Kawayan]
Eyo kumusta ka na musta ka na musta ka na musta ka na musta ka na ba?
Alam mong miss na kita miss na kita miss na kita miss na kita miss na miss kita.
Di pa rin naman nagbabago ang nilalaman aking nararamdaman
Ikaw pa rin ang aking kailangan nais na makasama hanggan sa magpakailan pa man
Sa akin ay di mo na talaga magawang maniwala pa
Di na ba talaga kaya maibalik ang anong meron tayong dalawa noon
Miss ko yun miss ko nung tayo pa
Hindi ko maitanggi ikaw pa rin ang pinapangarap
At laging hinahanap kaya walang mintis araw-araw ikaw aking namimiss
[Repeat Chorus x2]
12 years назад
12 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад
13 years назад