DISC 2 - Track #14 Langit Lang (High Quality)
Curse One, Aprhyl, Lux, Kej's & Vlync
From the album " Breezy Boyz Meet Breezy Girlz "
Official Lyrics
Intro: Lux
Alam mong hindi ko kayang sabihin sayo
kung ano ang tunay kong nararamdaman.
Hindi ko maipakita sayo ng harapan
dahil sa alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.
Pero umaasa ko balang araw na matatanggap mo
at masasabi ko din sayo na mahal na mahal kita.
Langit Lang ang nakakaalam ng lahat, Langit Lang, Langit Lang...
1st Verse: Curse One
Masisisi mo ba ko, iniibig kita
kahit alam kong malayong magkatotoo na
mahalin mo rin ako't mahirap mang umasa.
Sana'y may kakayanan lang ako
na pahintuin ang pagtakbo
ng oras at ang pag-ikot ng mundo
at ng malayang maamin sayo.
Gusto kita mula pa nung umpisa
kahit taon pa ang namamagitan sating dalawa.
Alam kong wala pa sa isipan mo ang mga bagay na 'to
(Langit Lang) kahit ako'y mag-isa.
Wag mo na kong alalahanin pa
alam ko na madami kapang makikilalang mas hihigit pa sakin
Minamahal kita, kahit...
Chorus: Aprhyl & Kej's
Langit Lang ang nakakaalam
ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin.
Kung malaya ka na (kung malaya ka lang)
at handa mong pakiramdaman
ang pag-ibig na tahimik lang
sa pagmamahal mo ay nangungulila...
2nd Verse: Aprhyl
Pinagmamasdan ko ang ulang pumapatak
kasabay ng bagyo sa loob ng damdamin ko.
Kailan kaya titila, tila hindi na ako
mapakali, makatabi, mayakap ka't makahalik
sa puso mo, puso kong sabik sa pag-ibig mo.
Narinig mo ang himig ng damdamin ko, tinig na naglalaro
na ang kahuluga'y ikaw sana.
Kahit malabo na yong matanaw
dahil ramdam ko na ang nararamdaman ko'y
hidi mananalo buhat pa nang umpisa.
Umaasa pa rin ako makakamit ko rin ang pagmamahal mo kahit sa...
Chorus: Aprhyl & Kej's
Langit Lang ang nakakaalam
ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin.
Kung malaya ka na (kung malaya ka lang)
at handa mong pakiramdaman
ang pag-ibig na tahimik lang
sa pagmamahal mo ay nangungulila...
3rd Verse: Lux
Sa panong paraan dapat ko ba idaan,
dapat ko ba tandaan, dapat ko ba ilaan,
dapat ko bang handaan para lang mapagbigyan.
kahit na alam ko na hindi pa binabalik ang panahon
na kasama kita non na walang iniisip na pagkatalo
at ang tanging dahilan para lang malampasan
ay matamasa ang matamis na Oo
nang isang kagaya mo na pwede kong tawagin
sa panahon na kailangan kitang makasama,
iniisip, madali lang makabawi sa lungkot
at pighati kapag ikaw ang nakikita.
Hindi ko maiwasan umiyak at ang luha sa mata ko ay tiyak
unting-unting papatak sa lupa at magsisilbing
matamis na ala-ala larawan na kupas hanggang sa paglipas
ng panahon sa medalyon ko'y angkas ka,
laging masdan ka, pinipilit na makuha ka
ngunit bakit ba ganon parang hindi ka totoo
parang pangalang inukit sa kawayan.
Hindi alam kung ano ba ang katibayan
sa pagharap sa salamin doon ko nalaman
na hindi lahat ng bagay na nasisilayan
mo ay totoo at dapat mong paniwalaan.
Dahil Langit Lang, Oo, ang Langit Lang ang nakakaalam ng totoo...
Chorus: Aprhyl & Kej's
Langit Lang ang nakakaalam
ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin.
Kung malaya ka na (kung malaya ka lang)
at handa mong pakiramdamanang pag-ibig na tahimik lang
sa pagmamahal mo ay nangungulila...
4th Verse: Kej's
Maligaya, pag pinapasabik talaga ng tadhana ang pag-ibig
yung tipong hindi mo malaman ba't maraming kalaban
pero balewala lang dahil nagbubulag-bulagan
ang mga mata saking mga nakikita
Imposible na mangyari talaga ang mga hinahangad ko.
Labis-labis na nasasabik ako sayong pag-ibig
ang tanging nais na mapasakin ka at ako ang nakayakap sayong bisig.
pero sadyang merong pumipigil sating mga labi na itigil.
Matagal ko nang gustong pagtapat
para sa akin ikaw ang lahat-lahat...
Chorus: Aprhyl & Kej's
Langit Lang ang nakakaalam
ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin.
Kung malaya ka na (kung malaya ka lang)
at handa mong pakiramdaman
ang pag-ibig na tahimik lang
sa pagmamahal mo ay nangungulila...
5th Verse: Vlync
Muntik ko ng wakasan ang mundo ng pag-ibig
sa kadahilanang babagsak ng mga suliranin,
hindi sa hindi ko kayang gampanan ang pag-aalagang kailangan mo rin.
Alam mong hindi ko kayang matiis kung maghiwalay pa tayo mabilis
lang ang aking paghihintay ay talagang may sasablay.
Hay buhay tablan man ng mga pamatay na pagsubok
ay hintay-hintay ka lang kung kailan muling matutusok
ng pana ni kupido ang puso kong bihag at alipin mo.
Aaminin ko sadyang nagtampo
lamang ang damdamin ko sayo na tanging Langit Lang
ang syang naging saksi sa lahat ng pighati.
At alam kong sisikat din muli ang araw
araw kitang makakasama sa lugar na puro ginhawa lang
ang pwedeng matamo nating dalawa
ako'y atat na, masabi sayo na ako ay nagbalik na kahit na dati pa...
Chorus: Aprhyl & Kej's
Langit Lang ang nakakaalam
ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin.
Kung malaya ka na (kung malaya ka lang)
at handa mong pakiramdaman
ang pag-ibig na tahimik langsa pagmamahal mo ay nangungulila...
10 years ago
10 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago
12 years ago
12 years ago