Sa Ugoy ng Duyan
Sana`y di magmaliw ang dati kong araw
nang munti pang bata sa piling ni Nanay.
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal,
awit nang pag-ibig habang ako`y nasa duyan.
Sa aking pagtulog na labis ang himbing,
ang bantay ko`y tala, ang tanod ko`y bituin.
Sa piling ni Nanay langit ang buhay,
Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan.
Nais kong matulog sa dating duyan ko Inay.
O, Inay!
9 years ago
10 years ago
10 years ago
10 years ago
10 years ago
10 years ago
10 years ago
11 years ago
11 years ago
11 years ago